Pahinungod Hymn

Words by Rio Alma

Music by Ryan Cayabyab

 

Tumindig ka, Anak ng Bayan,

Filipinas ay Naghihintay

Ihandog mo ang puso't dunong,

Sa pagsulong ng bansa't nayon

 

Ibukas mo ang pamantasan

Sa manigong sining at agham;

Pakislapin ang pagtuturo,

Sa saliksik at pagkukuro.

 

Bigkasin mo ang diwa,

Sa sarili't pambansang wika;

Buhay mo ang pagmamahalan,

Sa laya at kasaysayan.

 

Itanghal mo ang Filipino;

May dangal at talinong tao,

Nalilingkod sa taong bayan,

Iginagalang sa daigdig.


 

Bahay ng Pahinungod

University of the Philippines Los Baños
College, Laguna 4031, Philippines
Tel. No. (049) 536-0505
Email: pahinungod@uplb.edu.ph